Mapungay ang mata, May titig na
nagsasabing nakakatuwa ka, ilang buwan nadin kaming tumambay, ilang buwan na
kung anu-anung stubs ang ginagawa naming dalawa, lakad dito, lakad dun, kain
dito, at kain dun, tawanan d2, ngiti diyan, asaran dito at asaran doon, ilang
buwan din niyang sinuklian ng matamis na ngiti lahat ng yun. Ang mga pinag
gagawa ko, mga kalokohan at kakornihan ilang buwan lang nararamdaman kung ito
na yun, inoorasan ba ang love? At syempre hindi magiging kami kung hindi
sasabihin ang salitang mahal kita.
Ang pag-ibig parang pag bibike
masesemplang ka muna bago ka matuto, pero paano mo matutunan kung takot kang
subukan. Alam ko napapasaya ko siya kapag sinasabihan ko siya ng I love you,
panu ko nasabe? Kasi nirereplyan nya aq ng hehe, haha, smiley, at sa huli
babanggitin niya din ung salitang I love you too. Sobrang saya niya kasama,
nakakabobong saya, ansarap din nyang isipin, nakakatalinong isipin, hindi niya
siguro alam na parang physics formula ang nararamdaman ko sakanya, There is no “FORCE”
greater than love, even peer “PRESSURE”,
pati “ACCELERATE” ng “HEAT” na nararamdaman ko ay hindi ko mapigilan dahil sa
pagtibok ng puso ko para sakanya.
Simula ng minahal ko siya hindi ko na
iniisip ang iniisip niya, gusto ko lang maramdaman niya na mahal ko siya, na
sincere ang nararamdaman ko para sakanya, at malinis ang intensyon ko, kasi
alam ko kapag napakita at naparamdam ko sakanya yun alam ko buong buo niya
akong mamahalin. Hindi ko napapansin ang oras kapag katext ko siya, lalo na
kapag kasama ko siya, at hindi ko napapansin ang tunog ng paligid ko at lakad
ng mga tao at reaksyon ng mga mukha nila kapag nakikita ko na nakangiti na
siya, bago pa pala ako nagtapat sakanya ng nararamdaman ko, nasabi ko na ang
mga salitang to, Hayy naku may pag-asa ba ako? Kung sasabihin niyang oo,
maghihintay ako, kung hindi hahayaan ko siyang makitang masaya dahil ok n akong
naramdaman kong mahal ko siya kahit pa sabihin niyang hindi niya ako trip.
Hindi ko kasi alam kung anung gusto niya e, ako kasi ung tipo ng lalaking
makulit, malakas mang asar, at hindi torpe at syempre may pag kamaangas sbe nga
nila badboy men.
No comments:
Post a Comment