Isa itong istorya ng taong nagmahal.. nasaktan, lumuha, kahit ganu kasakit tinanggap at inayon niya sa sarili niang pagkatao, kumbaga para sa taong mahal niya. handa siyang magparaya , maghintay at magpa-ubaya. Hindi basta Basta magmahal, hindi ito isang kasiyan na basta bsta mu lang tatawanan. Isa itong sakripisyo at pagtanggap ng katotohan na ang bawat salita at pangako at may kalakip na Masasaktan..
Si Allan ay isang magaling na manunulat, respetado, at tinitingala, msasabing isa siya sa mga hinahangaan na tao s trabaho o sa knilang lugar man, Msasabing isa sa mga gwapong lalake c allan, magandang pangagatawan matangos na ilong matangkad at responsable.. kumbaga pangarap nga ng mga kababaihan.. pero sa kabila ng lahat ng ito nanatili pdn syang nagiisa sa buhay at walang kasama. namatay ang knyang mga magulang sa isang aksidente ksama ng kanyang ibang kamag-anak bumagsak ang knilang eroplano n sinasakyan na sanay magbabakasyon, kabilang sila sa isang mataas n pamilya, ngunit sa isang iglap nawala ang lahat.. at ngayon nga ay magisa nalang siya sa buhay.. sampung taong gulang ng naulila c allan .. nagpalaboy laboy sa lansangan, naging takatak vendor at nagtinda ng sampaguita sa kalsada s tapat ng simbahan ng quiapo, sa kabutihang palad ay inampon siya ng kaparian at doon namalagi at nakapag aral..
Lumipas ang mga araw taon at buwan, lahat mssbe mung nagbago at ang isang batang c allan ay lumaki bilang isang respetadong tao, pero sa kabila ng lahat ng yun nanatili pdn ang kanyang kalungkutan , lungkot sa mga mata at lungkot sa nraramdaman ng kanyang puso, walang ina, walang ama, walang pamilya, tanging ang mga pari, madre at mga tao sa simbahan ang nag mistulang pamilya para sknya at mga mangilang ngilang kaibigan na sa pkiramdam niya ay maituturing niang pamilya..
Mapaglaro nga c kupido.. mapaglaro ang tadhana, habang binabay bay ni allan ang lugar qng saan siya pinadala upang magsulat ng kanyang mga artikulo sa lugar ng pines city sa baguio, isang babae ang bumungad sknya, babaeng hndi normal kung ikumumpara sa ibang tao.. Isa siyang bulag n babae, na sa kabila ng kanyang kapansanan makikita mu padin ang ganda ng kanyang pisikal n kaanyuan, balingkinitan na katawan, magandang mga labi at matangos n ilong.. at tamang tangkad na qng sa unang tingin ay hndi mu akalain na may kapansanan, ngunit sa kabila ng lahat ng ito hndi ito pinansin ni allan, para sknya ang simpleng ganda na kanyang nakikita ay sapat na para tumibok ang kanyang puso at maramdaman ang agos ng kyang dugo sknyang buong katawan..
Hindi nagtagal ay nkilala niya rin ang babaeng ito.. ang pangalan nia ay Fiona isang babaeng tagapag alaga sa bahay ampunan na panandaliang tinutulyan ni allan para doon magsimula ng kanyang mga sulatin. si Fiona ay isang babaeng simple at babaeng maraming pangarap sa buhay , mataas n pangarap para sa sarili nia.. sa edad na Bente Singko - Anyos.. ay hndi pa nito naranasan na makita ang araw at liwanag ngunit nandun pdn ang pagnanasa niang makakita at magkaroon normal n pamumuhay, kasama ni fiona ang kanyang mga magulang , sapagkat sila ang katiwala ng bahay ampunan n kanilang tinutuluyan. Hindi nagtagal at nagkakilala ang dalawa, nagkausap at nag kamabutihan ang loob, madalas sila mag usap ni allan, kwentuhan ng madaming bagay at kung anu anu pa. at sa mga pangyayaring yun at sa unang pagkakataon naranasan ng lalakeng toh ang magmahal sa katauhan ni Fiona.. at ganun din ang naramdaman ni Fiona. Ngunit Hndi pinagtapat ni allan ang buo ng niang pagkatao dahil sa takot na bumaba ang tingin ni fiona para sa sarili nia ..
Habang tumatagal lalong lumalim ang nraramdaman nila sa bawat isa, lumipas ang isang taon , nanatili pdin clang matatag sa kabila ng lahat ng to.. ang buong akala padin ni fiona ay isa ring bulag si Allan.. dahil para sa sarili nia , at sa sarili niang paniniwala.. " SINO NGA BA ANG MAGMAMAHAL SA ISANG BABAENG TULAD KO? ISANG BULAG AT POBRENG BABAE NA WALANG MAIPAGMAMALAKI" nanatili siyang bulag sa katotohanan, ngunit hndi nia alam na tinaggap siya ng lalakeng nagmamahal skanya kung anuman at kung cnu xa..sa Kabila ng kapansanang meron siya.
Sa isang relasyon hndi maiiwasan ang problema dumating sa punto na nasasaktan c Fiona dahil sa kapansanan na meron xa.. sa loob ng ilang taon nais niang makakita.. nais nyang bumuo ng sariling buhay na alam niang panibago para sknya, sa araw at gabi na kasma nia si allan, ay walang pasubali na yakapin at ibuhos ni allan ang buong araw , oras niya para sa dalaga, maging ang sarili niyang kapakanan ay napabayaan niya.. ngunit para sknya. ANG MAGMAHAL AY SAKRIPISYO, MINSAN LANG DARATING SA BUHAY MU ANG ISANG TAONG DAPAT MUNG PAHALAGAHAN AT INGATAN" naranasan na niyang mawalan ng mga mahal sa buhay , at ngayon na magmahal ulit siya ayaw na niang maulit pa un.. Gs2 niang iparamdam sa Dalaga na hndi siya nag iisa, kahit pa sa tingin ng dalaga ay isa ring bulag Si allan.
Ilang buwan ang nagdaan, nanatili pdn xang nasasaktan sa katayuan ng dalaga, Kaya gumawa ng paraan ang binata.. nilakad ang buong papeles, dumiretso sa mga kilalang ospital at ginamit nia ang kanyang pangalan para makatulong sa babaeng mahal nia.. Ngunit hndi basta bsta ang kalalabasan ng bawat hakbang, ang natatanging solusyon at makahanap ng taong makapag Bibigay ng mata para sa dalaga, at dito ibinuhos ng Binata ang lahat para sa babaeng minamahal nia, lahat ng meron xa ay ibinuhos nia ngunit hindi sapat ang bawat pera at kusing ng barya para magamot ang knyang minamahal bigo siyang makahanap ng taong magbbgay ng knyang paningin.. masakit para sa binata na nkikitang nssktan sa araw at gabi ang kanyang babaeng minamahal.. Hanggang sa isang araw..
ALLAN : Doc nais ko pong ang aking mga mata na lamang ang ibigay nio kay Fiona para s knyang paningin.
DOKTOR: Sigurado k n ba sa iyong desisyon, malaki ang mwawala sa iyo kapag yan ang iyong ginawa. maaring ang trabaho, o ang sarili mung kaligayahan bilang isang normal n tao.
ALLAN: Desisyon kong mahalin xa. at siya ang sarili kong kaligayahan mas mabuti pang mga mata ko ang mggng dahilan ng kanyang bagong liwanag at ang mga mata ko ang kanyang mgging paningin.
Bawat desisyon ay may kalakip n responsibilidad, para sa binata responsibilidad niyang mahalin ang dalaga, kinausap nia ang kaparian na nag alaga sknya at pumayag naman ang mga ito bsta sa ikakabuti ng nraramdaman ng binata..
Ibanalita ng Binata sa Dalaga ang mabuting balita na may pag asa ulit xang makakita, ngunit ang hndi alam ng Dalaga ay mata ng binata ang gagamitin para siya ay makakita.. sapagkat hanggang ngaun ay nanatili padin na alam ng dalaga na bulag din ang binata at meron lamang nagmagandang loob n tumulong sknya para sya ay makakita..
Sa loob loob ng binata ay Galak ang Kanyang kasiyahan ang babaeng mahal niya ay muli ng makakakita at makakasilay ng liwanag , naniniwala xang tatanggapin dn xa ng DALAGA kaht pa malaman niang wala rin xang paningin sa araw na makakita ang dalaga.
Dumating ang araw ng operasyon.. Kaba at saya ang nararamdaman ng dalawa.. sa wakas makakakita na ang dalaga.. ngiti na may luha ang para kay allan, datapwat hndi na nia makikita ulit ang Ngiti ng dalagang kanyang minahal ay mraramdaman nman nito ang kaligayahan ng dalaga para s knyang bagong buhay..
bago pa man mangyari ang operasyon nais ni allan na manatiling sekreto ang lahat ayaw niang malaman ng dalaga na siya ang dahilan qng bkit siya ulit nakakita. .gs2 niang mahalin din sya ng dalaga tulad ng knyang pagtanggap sa qng anu at kung cnu siya habang siya ay bulag pa.
Lumipas ang mga oras, minuto nagtagumpay ang operasyon.. ARAW at ilang mga buwan handa ng tanggalin ang benda ng dalaga s mga mata nito at sa wakas nagtagumpay ang operasyon.. Nakakita ang dalaga.. nakita ang liwanag at saya at lahat ng taong nakapalibot sknya,, sa kabila ng lahat ng kasiyahan niya, Ay meron isang taong naghhntay sknya ang lalakeng nagmahal sknya at nagbigay ng bago niang buhay.
Hndi muna nag pakita si allan ninais niyang mging masaya muna ang dalaga para sa bagong buhay nia. Nais niang balikan siya ng dalaga.. at makita na wla ng paningin.. at ganun nga ang ngyari dumating ang araw ng nais makita ng dalaga ang knyang kinakasama na si allan.
HNDI NGA NAGKAMALI C FIONA SA KNYANG INAKALA.. BULAG NGA C ALLAN WALANG PANINGIN AT HNDI NAKAKAKITA.. TILA ISANG DUMUHONG NAGBAGO ANG LAHAT HNDI TINANGGAP NG DALAGA C ALLAN .. AYAW NIYANG MAGMAHAL NG BULAG, AYAW NIANG BUMALIK SA NAKRAAN QNG SAAN HNDI SIYA MULING NAKAKAKITA.. AYAW NIANG MAGMAHAL NG TAONG HNDI NAMAN XA KAYANG TIGNAN. GS2 NIA NG NORMAL.. Hindi tinanggap ni FIONA ang BINATA dahil s knyang kapansanan..
Nais sanang ipaalam ng lahat kay fiona na ang binatang kanyang iniwan ay ang taong nagbigay ng kanyang paningin.. Ngunit pinigilan cla ng binata.. at sinabe niyang:
NAGMAHAL LANG AKO.. MAS PIPILIIN KONG MKITANG MASAYA ANG TAONG AKING MINAMAHAL KESA MAKITANG NHHRAPAN SA TAONG BULAG.. ANG MGA MATA KO ANG MAGSISILBING MATA NIA PARA MKITA AT MALAMAN NIA ANG 22ONG KAHULUGAN NG PAGMAMAHAL.. MANANATILI AQNG MAGHIHINTAY SA BABAENG NAGING BAHAGI NG BUHAY KO. BUMALIK MAN SIYA O HNDI ANG MAHALAGA ANG ISANG MAHALAGANG BAHAGI NG KATAWAN KO AY NGBIGAY NG BAGONG LIWANAG AT KASIYAHAN SA BABAENG MINAHAL KO.
Iniwan ni FIONA si ALLAN na may luha sa mga mata, ngunit walang pag-sisisi.. hanggang sa huli ay nananatiling naghihintay ang Binata sa Dalaga ganu man katagal o kung babalik man o hindi mananatili pdin niyang mamahalin ang babaeng nagbago ng buhay nya.
--------- ARBEL ---------